spot_img
29.4 C
Philippines
Saturday, May 4, 2024

PSFI Brings the Story of Love, Compassion, and Success

- Advertisement -
- Advertisement -

Sama-samang Pagtulong, Sabay-sabay na Pagsulong

Welded Hearts: Pagpapanday sa Pinagtagpong Puso

Parte ng SKIL Scholars Batch 2014 sina Marina “Rina” Ramirez – Efsiaca at Rolando “Roland” Efsiaca, Jr.. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkrus ang kanilang landas noong 2014 sa programa habang nagsusumikap para sa kani-kanilang pangarap. Ang SKIL ay isa sa mga scholarship program ng Pilipinas Shell Foundation, Inc. (PSFI). Dito ay nabibigyan ng libreng pagsasanay ang mga iskolar sa iba’t ibang teknikal na kurso tulad ng automotive mechanic, consumer electronics, structural welding, at iba pa. Isa ang Batangas sa lugar na pinagsisilbihan ng PSFI.

“Naku, Malaking bagay [ang SKIL scholarship]. Kulang-kulang walong taon ako naging welder. Kung hindi ako naging scholar ng Shell [Foundation], hindi ko matututunan kung paano yung ginagawa ko ngayon para sa pamilya ko—” ani Roland.

“Mas madali makahanap ng trabaho. Kasi bukod sa skilled po kami, may training din po kami ng safety leadership. Under din po ng PSFI. Mas malaking bagay din po sa safety,” dagdag ni Rina.

Bilang parehas na mag-aaral ng kurso, madalas magkasama noon ang dalawa sa training. Isa sa hindi nila malilimutang bahagi ng kanilang pagsasanay ay ang kanilang Leadership Enhancement and Attitude Development (LEAD) workshop. Hindi lamang nahasa ang kanilang mga kasanayan, kundi napagtagumpayan din nila ang kanilang pagiging mahiyain. “Malaking tulong [ang LEAD workshop] para sa mga hindi pa sanay humarap sa iba’t ibang klase ng tao; tinuturo nila doon,” bahagi ni Roland.

- Advertisement -

Sabay sila noong pumapasok at umuuwi sa mga training ng PSFI. Unti-unti silang pinaglapit ng tadhana.

Ang kanilang kimika, na hindi maitago, ay naging paboritong biruan din ng kanilang mga kaklase. Kaya naman sa pagkakataong nagsama-sama sila sa iisang boarding house ay tuluyan nang natunaw ang kanilang mga puso para sa isa’t isa. Noong 2015, opisyal na nagsimula ang kanilang matamis na pagmamahalan.

Pagkatapos ng apprenticeship sa SKIL, ang kanilang mga pangarap at ambisyon ay nagpatuloy nang magkasama. Kapwa silang nakapasok sa inaplayang trabaho sa Shell. Ngayon, halos isang dekada na ang nakalipas, masayang binabalikan ng mag-asawa ang kanilang pagiging mga aplikante ng SKIL hanggang sa pagbuo ng kanilang sariling pamilya sa kasalukuyan. Sa kabila ng mga pagsubok, sila ay pinagtagpo at hinubog ng kanilang mahabang karanasan. Kaya’t payo nila sa mga katulad nilang umiibig:

“Patuloy lang kung ano ang gusto [nilang] marating at kung sino ang kanilang gustong makasama’t

ibigin—gawan ng paraan.”

Para kina Roland at Rina, ang edukasyon, pangarap, at pagmamahal ang papanday sa walang hanggang posibiliad—kaya’t ito’y dapat gawan ng paraan. Hinubog ng pagsisikap, hindi lang bokasyon ang natagpuan ng ating dalawang iskolar, kundi pati ang makakasama panghabambuhay.

As Meo wisely puts it, let love simmer like a slow-cooked dish, and endure any challenges its way. Do you Agree?

Tourists visiting the Mangrove Paddle Boat Tour in Sabang, Puerto Princesa will meet Cristina (Tina) and Romeo (Meo). While they can serve as your eco-tour guides for the next 30 minutes, they are lifelong companions to each other.

Meo and Tina have been happily married for 24 years, raising five children in Sabang. Their relationship also began there, while Tina was working in a restaurant. At the same time, Meo has just arrived in town as a missionary. They believe their encounter was fated, as Meo was originally from Southern Palawan. Playfully, Meo says, “Parang pumunta ako ng Palawan para dito ko makita ‘yung hinahanap ko…”

However, life does not come without hardships. In 2020, their livelihood as tour guides was halted due to the pandemic. PSFI reached out to the couple and other beneficiaries through Mangrove Protection and Conservation for Tourism to provide support. Although they struggled to keep their family afloat, the couple’s strong partnership undoubtedly contributed to their resilience. Meo is very vocal about this.

“Kahit anong mangyari, patunayan natin na ‘yung pag-ibig natin yung panghahawakan natin. Lagi nating ihahabilin sa Diyos na tulungan tayo lagi sa anumang mangyari [satin, nang] magkasama tayo,” he tells his wife during the interview.

In an age when “social media-worthy” moments and grand gestures have become standard measures of affection, Tina and Meo’s story is a romance of building a life together and enduring even the most challenging moments with kindness. Tina believes that couples should give their all in a loving relationship and that they should always be kind, understanding, and patient with each other.

“‘Pag pag-ibig, malawak ang abot ng pag-ibig. Hindi lang iisa, andun na—nakapaloob na lahat, pang-unawa…marami siyang dala,” Tina shares.

To couples, young and old, Meo offers this advice: “‘Yung pag-ibig po kasi minsan, ‘wag nating gawing biglaan na tulad ng kanin na ‘pag mainit, iluluwa mo agad. Kapag pumasok ka sa isang relasyon, dapat ay ‘yung totoong pag-ibig— na ano mang mangyari, hindi masisira ‘yung pagsasama niyo.”

NORLYNA GOLING: KATUTUBO AT KAMPEON SA PAGLABAN SA MALARIA

Supported by Jonalyn Jackaria

Kilala sa palayaw na “Pula” si Norlyna Goling, isang Tau’t Batong volunteer ng Movement Against Malaria (MAM) program. Siya ay naging parte ng programa noong 2015. Makalipas ang walong taon ay patuloy ang kanyang pagsusumikap sa pagpuksa at pagpigil ng sakit na malaria sa Katimugang Palawan kasama ng Pilipinas Shell Foundation Inc. (PSFI).

Kabilang ang mga Tau’t Bato sa katutubong Palaw’an. Kasama ng mga Molbog, sila ang pinakamalaking populasyon ng katutubo sa lugar. Mahalaga ang pakikipagtulungan mga boluntaryong katutubo tulad ni Pula sa pagpapanatili ng magandang kalusugan sa kanilang komunidad.

Pagbabahagi ni Pula, inspirasyon niya sa pagsali sa programang MAM ng PSFI ang kanyang kapatid at ang kanyang mga anak. Dahil laganap pa rin ang sakit na malaria sa kanilang komunidad sa Sitio Ogis, Brgy. Ransang, pangunahin niyang tungkulin ang pagsasagawa ng blood tests o blood smears na ginagamit upang matukoy kung positibo o negatibo sa malaria ang pinagkuhanan.

Ang malaria ay nagmumula sa parasites na dala ng mga infected na lamok. Kapag hindi ito naagapan, maaari itong ikamatay ng pasyente. Ang malaria test ay ang unang hakbang sa pagtukoy sa nasabing sakit. Napakahalaga na maisagawa ang hakbang na ito sa lalong madaling panahon upang mabigyan ng tamang lunas ang may sakit.

Madalas na sa Sitio Ogis nakatakda ang sinasagawang blood smears ni Pula. Bukod pa rito’y nilalakbay niya rin ang ibang sitio upang tumulong sa kanilang testing. Malayo man at hindi madali ang kanilang tinatahak, taos-puso ang kanyang pagtupad sa tungkulin.

“Kasi dati mahiyain po ako tapos nakakabasa po ako pero ‘di ko maintindihan. Pero noong nakasali po ako dito sa [volunteer program], parang lumawak po ang kaisipan ko.”

Bilang bihasa sa pagsasagawa ng malaria test, siya na rin ang gumagawa ng blood smear para sa kaniyang pamilya. Ayon kay Pula, ito ay nakakagaan ng loob dahil nasisigurado niyang sila ay malusog at ligtas sa sakit.

“Nagpapasalamat lang ako sa [PSFI] dahil sa tulong nila sa mga kapwa ko katutubo, kapwa ko Tau’t Bato. Natutulungan sila dahil diyan sa [malaria program].”

Malaki rin ang pasasalamat niya sa kanyang kapwa volunteers dahil sa kanilang pagtulong sa Sitio Ogis at sa kalakhan ng Brgy. Ransang.

“Kahit mahirap, tuloy-tuloy pa rin, kahit napapagod,” aniya.

- Advertisement -

LATEST NEWS

Popular Articles